Pag-convene ng impeachment court bukas, tuloy na tuloy na

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na magco-convene ang Senado bilang impeachment court bukas, June 11.

Ayon kay Escudero, ‘yan ang napag-usapan nilang mga mambabatas kahapon na dapat sa Miyerkules ay makapag-convene na sila bilang impeachment court at ito ang dapat na mangyari bago mag-adjourn ang 19th Congress.

Gayunman, ang pormal na pagsisimula ng paglilitis ay sa 20th Congress pa mangyayari dahil wala nang sapat na panahon ang 19th Congress para gawin ito.

Hindi aniya magbabago ang kanyang posisyon na sa 20th Congress pa magpapatuloy ang paglilitis.

Mamayang hapon ay manunumpa ang mga senador bilang senator judges at umaasa siyang walang masyadong debate na mangyayari sa sesyon.

Sa pagsumpa mamaya ay hindi pa magsusuot ng robe ang mga senador kundi kapag nag-convene na sila bilang impeachment court.

Facebook Comments