Pag-deploy ng Filipino nurses sa mga bansang nagbibigay ng COVID-19 vaccines, suportado ng Palasyo

47

Suportado ng Malacañang ang proposal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na magpadala ng Filipino nurses sa ibang bansa kapalit ng COVID-19 vaccines.

Ang proposal na ito ay umani ng batikos kabilang kay dating Vice President Jejomar Binay kung saan “insensitive” at “dehumanizing” ang hakbang na ito.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginagalang nila ang opinyon ng lahat pero bukas sila sa hakbang ng DOLE at DFA.

Pero nilinaw ni Roque na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing proposal.

Ipinauubaya na ng Palasyo kina Labor Secretary Silvestre Bello III at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na gawin ang offer sa ibang bansa.

Facebook Comments