Pag-endorso sa isang proyektong kalsada sa Tarlac City, itinanggi ni senator Lacson

252

Mariing pinabulaanan ni senator Panfilo Ping Lacson ang pekeng impormasyon na ini-sponsor niya ang P25-milyong road concreting project sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Giit ni Lacson, hindi sya gagawa ng bagay na labag sa patakaran na huwag magpatupad ng proyekto gamit ang pork barrel.


Nagulat pa si Lacson makaraang makatanggap ng tawag ang kanyang tanggapan na nagpapahatid sa pasasalamat ni Tarlac City Mayor Maria Cristina Angeles dahil sa naturang proyekto na nakatakda nang umpisahan sa mga darating na araw.

Naniniwala si Lacson na ang nabanggit na fake news ay paninira sa kanya matapos niyang isiwalat na hinarang ng Malacañang ang tinatayang ₱80 bilyong realignment sa 2020 national budget.

Facebook Comments