Pag-escort ng umano’y retiradong pulis kina Atong Ang at Gretchen Barretto sa immigration counter ng NAIA, iniimbestigahan na

219

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pag-escort ng isang retiradong pulis sa grupo ni Charlie Atong ang at sa aktres na si Gretchen Barreto sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay BI spokesperson Atty. Maria Antoinette Mangrobang, mahigpit nilang ipinatutupad ang “off-limits to unauthorized persons policy” o pagbabawal sa mga hindi otorisadong indibidwal na magtungo sa mga immigration areas sa lahat ng mga international airports sa bansa.

Dahil dito, muling ipinaalala ng B-I sa kanilang mga tauhan na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-escort sa sinumang pasahero.


Samantala sa isang pahayag, sinabi ni Ang na biglang lumapit sa kanila ang nasabing pulis habang nasa pila sa immigration counter.

Aniya, hindi nila ito ni-request at hindi rin nila ito kilala maging kahit sino sa immigrations.

Facebook Comments