PAG-HAGUPIT | 19, nasawi sa pananalasa ng Hurricane Mike sa Florida

Florida – Umabot na sa labing-siyam ang kumpirmadong nasawi sa paghagupit ng Hurricane Mike sa Florida.

Posible pang tumaas ang bilang na ito dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang nawawala.

Limang araw matapos mag-landfall ang category 4 hurricane ngayon pa lang nakikita ang lawak ng idinulot nitong pinsala sa Florida particular na sa New Mexico Beach kug wasak ang halos lahat ng mga ari-arian doon.


Bukas pa papayagan ang mga residente sa Mexico Beach na makakabalik sa kanilang mga bahay. Patuloy pa rin ang pagpapatupad ng curfew sa lugar na apektado ng kalamidad.

Wala pa rin kuryente ang mahigit 230,000 na residente at nagkakaproblema na rin sa supply ng gasolina.

Facebook Comments