PAG-IBIG Fund Chairman’s Report, sasaksihan ni PBBM mamayang hapon

Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa PAG-IBIG Fund Chairman’s Report mamayang alas-2:00 ng hapon na kung saan ay ilalahad ng ahensiya ang mga naging accomplishment nito.

Pangungunahan ni PAG-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang gagawing pag-uulat sa presensiya ni Pangulong Marcos.

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon ay inaprubahan ng Pag-IBIG Board ang dibidendo sa savings ng kanilang miyembro na P31.79 billion.


Inaprubahan din ang pinal na dividend rates na nasa 5.5% para sa Pag-IBIG Regular Savings at 6% para sa MP2.

Maliban sa naturang aktibidad ay inaasahang magiging abala muna ang pangulo sa pulong sa Palasyo at ito ay ang gagawing pangunguna nito sa cluster meeting na karaniwang ginagawa tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments