Pag-iikot ng Mobile Market ng Taguig City Government, nagsimula na!

Umarangkada na ang pag-iikot ng mobile market ng Taguig City Government sa ilang bahagi ng lungsod.

Magtatagal ang pag-iikot simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Dala-dala ang mga gulay, prutas, karne, isda at iba pang maaaring mabili sa palengke, hindi na kailangan pang lumabas ng mga residente para pumunta sa mga groceries store at talipapa.


Magdala lamang ng sarili nilang ecobags o mga lalagyan para mabawasan ang paggamit ng single-use plastic at ang pagdami ng solid waste sa lungsod.

Facebook Comments