Pag-iingat laban sa mpox, mas pinalalakas pa ng isang senador

Pina-iigting ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang pagiingat ng mga kababayan matapos makumpirma ang dalawang panibagong kaso ng monkeypox o mpox sa Davao City.

Hiniling ni Go ang pagiging mas maingat at alerto ng mga Pilipino laban sa sakit at umapela na palakasin pa ang disease surveillance sa bawat panig ng bansa.

Sinabi ni Go na hindi dapat mag-panic ang mga tao subalit mahalagang alam ng mga kababayan kung paano makakaiwas sa nasabing nakahahawang sakit.

Pinaalala ng senador ang mga pangunahing preventive measures upang mabawasan ang transmission o panganib na mahawaan ng sakit kabilang ang pag-iwas ng physical contact sa taong may sintomas at pagpapakonsulta agad sa doktor kung makaramdam ng kakaiba o sintomas sa katawan.

Nanawagan din si Go sa publiko na sundin ang health protocols na iniisyu ng ating mga local health offices at maging updated sa mga pagbabago patungkol sa mpox.

Facebook Comments