Pag-imbestiga sa sunud-sunod na pagpatay sa mga menor de edad dahil sa war on drugs, ipinauubaya kay Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Ipinauubaya ni House Majority Leader Rodolfo FariƱas kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagpapaimbestiga sa mga kaso ng pagpatay sa mga menor de edad.

Sinabi ni Alvarez na kailangang imbestigahan ng Kongreso ang mga pagpatay sa mga menor de edad kasabay ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon kay FariƱas, depende ang hakbang na ito kay Speaker kung pangungunahan ang imbestigasyon sa mga kabataang napapatay dahil sinasabing mga drug suspects.


Naniniwala naman si Alvarez na malinaw ang motibo sa pagpatay sa mga menor de edad, ito ay para sirain at sisihin ng publiko ang gobyerno.

Dagdag ni Alvarez, gusto ng mga gumagawa nito na magalit ang mga tao sa pamahalaan at napakalaking kalokohan na ibintang ito ang sunud-sunod na pagpatay sa administrasyon.

Malinaw din aniya na gawa ito ng mga drug lords para matigil ang gobyerno sa kampanya kontra droga.

Facebook Comments