Pag-imbita umano ni VP Robredo sa isang US Prosecutor, Fake News

Nabigyan ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga aktibidad ng Vice President Leni Robredo bilang ICAD Co-Chairperson.

Ito’y matapos ihayag ng Pangulo na hindi niya nagustuhan ang pag-imbita ni Robredo sa bansa kay Human Rights Advocate Phelim Kine, isang dating Deputy Director ng Humang Rights Watch.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni VP Robredo, ‘Fake News’ ang sinasabing pag-imbita ni Robredo sa sinasabing US Prosecutor.


Walang inilabas na imbitasyon ang Pangalawang Pangulo hinggil dito.

Nakatuon aniya si Robredo sa pagsasa-ayos at pagpapatibay ng kampanya kontra ilegal na droga.

Dapat tiyakin ng mga Presidential Staff na nakakatanggap ng tamang impormasyon si Pangulong Duterte.

Facebook Comments