
Tuloy ang Commission on Elections (Comelec) sa muling pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa 2025 Midterm Elections, bukas, January 22.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kinakailangan na nilang simulan ang pag-imprenta ng mga bagong balota lalo na’t lagpas na sila sa timeline sa paghahanda sa nasabing halalan.
Paliwanag ni Garcia, hindi na maaabot ang deadline ng April 14, 2025 kung kaya’t sisiskapin nila na matapos ang pag-imprenta bago matapos ang buwan ng Abril at agad na ipadadala sa mga Comelec offices.
Dagdag pa ng opisyal, titingnan na lamang ng Comelec ang mga maaaring gawin sakaling maglabas muli ng panibagong Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kapag nakapagsimula na sila ng pag-iimprenta ng balota.
Matatandaan na nitong nakalipas na araw, nasa walong TRO ang inilabas ng Korte Suprema base sa kahilingan ng isang kakandidato sa pagkasenador at walo sa mga local position.