Pag-pull out sa SAF sa New Bilibid Prison, pinag-aaralan na ng DOJ

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na i-pullout na ang Special Action Force (SAF) troopers na nagbabantay sa New Bilibid Prisons (nbp).

Ayon kay Aguirre, ito ay para maiwasan ang familiarity na nagiging dahilan upang lumuwag ang pagbabantay ng mga ito.

Posible aniyang mula naman sa Philippine Marines ang italaga nilang bantay sa naturang kulungan.


Tiniyak naman ni Aguirre na hindi na makakabalik ang talamak na bentahan ng illigal na droga sa NBP lalo na’t may nakakarating sa kanyang ulat na muli na naman aktibo ang drug syndicate sa loob ng kulungan.
DZXL558

Facebook Comments