
Inihahanda na ang pagrelease ng Performance-Based Bonus (PBB) sa mga kuwalipikadong Philippine National Police (PNP) personnel para sa Fiscal Year 2023.
Matapos itong maaprubahan sa Department of Budget and Management (DBM) kung saan nailabas na ang pondo sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO).
Kaugnay rito, tinatapos na rin ng PNP Finance Service ang Fiscal Directive na magsisilbing gabay sa tama at transparent na payout ng mga nasabing personnel.
Sakaling maaprubahan na ito, ipo-post na sa information channels ng Finance service ang schedule ng nasabing payout.
Ayon kay acting chief PNP PLTGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang ipapamahaging PBB ay pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng mga kwalipikadong pulis.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño na gagawin nila ang lahat para maging maayos at mabilis ang pamimigay ng nasabing bonus.









