
Nakakabahala para kay House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pag-share ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng AI-generated video laban sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Diin ni Adiong, bilang isang public official ay dapat magsilbing halimbawa si dela Rosa sa bawat isa sa pagbabahagi ng totoo at tamang mga impormasyon.
Paalala naman ni House Spokesperson Atty. Princess Abante kay Senator Bato na ang opisyal ng bayan ay may tungkuling magtaguyod ng katotohanan dahil delikado kung sila pa ang magpapalaganap ng fake news at disinformation.
Facebook Comments