Pag-update ng contact information sa mga pasahero, pinaigting ng Cebu Pacific

66

Pinalawak pa ng Cebu Pacific ang kanilang pag-update sa contact information ng mga pasahero.

Layon nito na mas mabilis ang pag-abiso sa mga pasahero kapag mayroong pagbabago sa kanilang flight schedules.

Bukod dito, makakatulong din ito sa contact tracing efforts ng local officials sa harap ng COVID-19 pandemic.

Maaari anilang magawa ng mga pasaherong nakapag-book na o magpapa-book pa lamang ng kanilang flight ang pag-update ng kanilang contact information sa pamamagitan ng website ng Cebu Pacific.

Facebook Comments