Pag-upo ni Romualdez bilang susunod na house speaker, suportado ng NPC

159

Tiniyak ng liderato ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang suporta kay Congressman Martin Romualdez sakaling ito ang umupong House Speaker sa papasok na 19th Congress.

Ito ang ginarantiyahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na siyang chairman ng NPC.

Diin ni Sotto, unconditional o walang kondisyon at anumang kapalit ang pagsuporta ng NPC kay Romualdez bilang house speaker.


Ayon kay Sotto, ang naturang pasya ng NPC ay alinsunod sa isinagawang konsultasyon sa kanilang mga leaders sa House of Representatives.

Facebook Comments