Pag-uumpisa ng pag-aayuno ng mga Muslim o buwan ng Ramadhan, malalaman sa Mayo 25

59

Cotabato City, Philippines – Sa Mayo 25 ng gabi araw ng Huwebes malalaman kung kailan mag-uumpisa ang buwan ng Ramadhan.

Ito ang nabatid sa ginawang pulong ng Darul Ifta sa Cotabato City.

Gaganapin ang moon sighting sa Mayo 25 na napatak sa ika-29 na araw ng buwan ng Shaban sa Hijrah calendar.

Ayon pa kay former NCMF commissioner Ustadz Ismael Ibrahim, kung sakaling makita ang buwan sa May 25 ay awtomatikong magsisimula ang buwan ng Ramadhan sa May 26 at kung hindi naman ay sa may 27 pa mag-uumpisa ang buwan ng pag-aayuno ng mga mananampalatayang Islam.

Ang Ramadhan ay kabilang sa 5 pillars ng Islam.
DZXL558

Facebook Comments