Pag-uumpisa ng panunungkulan sa pwesto ng bagong pinuno ng PNP, inaantabayanan pa

59

Wala pang petsa na inilalabas ang Philippine National Police (PNP) para sa schedule ng assumption o pagsisimula sa trabaho ng bago nitong pinuno na si Police Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naka-depende kasi ang schedule ng assumption sa schedule ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paliwanag ni Fajardo, ang pangulo kasi ang magiging Guest of Honor at mangunguna sa seremonya sa pagpapalit ng liderato ng Pambansang Pulisya.


Pero sa ngayon, ani Fajardo ay nakahanda naman ang PNP para dito.

Nabatid na assumption lang ang gagawin dahil officer-in-charge ang nakaupo ngayon sa PNP na si Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Oras na pormal nang umupo, si Azurin ang magiging ika-28 PNP chief.



Siya ay galing sa Philippine Military Academy ‘Makatao’ Class of 1989 kung saan tatagal ang kanyang termino sa PNP hanggang April 24, 2023.

Facebook Comments