Pag-uwi nina Kai Sotto at Dwight Ramos para makalaro sa Gilas, inaayos na ng SBP

50

Inaayos na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga dokumento nina Kai Sotto at Dwight Ramos para makasama sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup.

Ayon kay SBP special assistant to the President Ryan Gregorio, target nilang maayos agad ang papeles ng dalawa para sa ligtas nilang pagbalik sa bansa mula US.


Oras na makauwi, agad silang sasabak sa training bubble sa Calamba kasama ang iba pang Gilas players

Unang makakaharap ng Gilas ang South Korea sa June 16 at 20 bago makalaban ang Indonesia June 19.

Facebook Comments