Pag-videoke, bawal na rin sa Antipolo City!

28

Inatasan ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares ang mga kapulisan at barangay tanod na mahigpit na ipatupad ang kanyang kautusan kaugnay sa pagbabawal na mag-videoke sa lungsod.

Ayon kay Mayor Ynares, sa ilalim ng kaniyang inilabas na ordinansa mahigpit nang ipinagbabawal ang mag-videoke simula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi, Lunes hanggang Linggo.

Sa pamamagitan ng ordinansa ay makakapag-concentrate ang mga online students at magkakaroon naman ng tamang oras sa pagpapahinga ang mga magulang na galing sa trabaho.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Mayor Ynares ang mga residente sa lungsod na sundin ang ordinansa at umaasa siya na ang lahat ay susuporta sa naturang hakbang.

Facebook Comments