Pagawaan ng armas ng BIFF narekober ng 6th ID

Bumulaga sa mga elemento ng 6th Infantry Division ang samot saring mga matataas na kalibre ng baril bukod pa sa mga di pa nagagawang baril matapos madiskubre ang pagawaan ng armas sa kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa Pagatin, Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Kinabibilangan ng 18 high powered firearms, 2 short firearms maliban pa sa 41 assorted barrels at mga parte ng baril ang narecover sa lugar ayon pa kay 6th ID Commander Major General Arnel Dela Vega sa panayam ng DXMY .

Bago ang pagkakarekober ng mga baril , nagsagawa muna ng Air at Ground Attack ang military sa lugar matapos mamataang nagpupulong ang mga leader ng 3 faction ng BIFF na kinabibilangan nina Abu Torayfe, Kagi Karialan at Kumander Bonggos.


Patuloy rin ang beripikasyon kung ilan ang naging casualty sa hanay ng mga armado habang 2 sa panig ng military ang bahagyang nasugatan.

Kaugnay nito, tila nagbanta na ang 6th ID sa mga itinuturing na mga terorista, makiisa sa kampanya ng gobyerno o harapin ang gagawing mas matinding Law Enforcement Operation.

6th ID PICS





Facebook Comments