
Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na indikasyon ng tumataas na kalidad ng trabaho sa bansa ang patuloy na pagbaba ng unemployment at underemployment rate.
Ito’y matapos bumaba sa 3.1% ang unemployment rate ng bansa noong December 2024, na pinakamababang antas mula noong 2005.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, nangangahulugan ito na mula sa bawat 1,000 manggagawa, 31 lamang sa kanila ang walang trabaho.
Bukod dito, tumaas din sa 70% ang bilang ng may full-time na trabaho na nagpapakita ng mas maraming manggagawa ang may stable income.
Samantala, patuloy namang isusulong ng NEDA ang economic transformation agenda para mapanatili ang paglago at katatagan ng ekonomiya.
Kasama dito ang paggamit ng innovation, teknolohiya, at strategic investment upang mapaunlad ang mga bagong industriya at gawing mas competitive ang bansa sa lumalawak na pandaigdigang merkado.