
Binigyang diin ng grupong Bantay Bigas na hindi pa rin umano sapat ang isinasagawang kilos ng gobyerno upang tuluyang bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad na lamang ng bigas.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, hindi naman umano nakatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa mga pamilihan ang pagpapababa sa taripa nito na mula sa 5% ay ginawang 15%.
Iginiit din nito ang itinaas sa porsyento ng rice import ng bansa na umabot sa 4.68% mula noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.
Ayon naman sa ilang rice retailers sa ilang pamilihan sa Pangasinan tulad sa bayan Mangaldan at Bayambang, bumaba ang presyo ng kanilang nakukuhang suplay ngayong buwan.
Bagamat may pagbaba na umano sa presyo ng kanilang bentahan na mamahalan pa rin ang ilang mamimili.
Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng local rice sa 42-45 pesos per kilo sa Bayambang habang 45 pesos per kilo naman sa Mangaldan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨