Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 pababa, sinimulan na sa Cambodia

34

Sinimulan na ng Cambodia ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 12 pababa.

Ayon kay Cambodian Prime Minister Hun Sen, kailangan nang umusad ng ng pagbabakuna sa kanilang bansa, kaya dapat nang mabakunahan ang mga kabataan gamit ang Sinovac vaccines.


Matatandaang hindi pa pinapahintulutan ng World Health Organization at ng ilang health expert ang pagbabakuna sa mga bata.

Paliwanag ng UN, kailangan pa ng masusing pag-aaral para malaman kung anong bakuna ang nararapat sa nasabing grupo ng edad.

Pero nanindigan si Hun Sen na kailangan nilang protektahan ang kanilang mga residente kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya kung saan kabilang dito ang pagbubukas ng mga paaralan.

Facebook Comments