Pagbabakuna, mas dapat pag-ibayuhin sa halip na itaas ang COVID alert level at ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask

40

Iginiit ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na kailangan na nating mamuhay na kasama ang COVID-19 pero dapat itong sabayan ng mas pinag-ibayong pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots sa buong mamamayang Pilipino.

Diin ni Gatchalian, epektibo ang pagbabakuna dahil napatunayang napababa nito ang dinadapuan ng virus na kailangang dalahin sa ospital.

Ayon kay Gatchalian, mas mainam itong gawin sa halip na itaas muli ang antas ng alert level sa Metro Manila at ipa pang lugar sa bansa.


Inihalimbawa ni Gatchalian ang Singapore na hindi na nag-oobliga ng pagsusuot ng face mask sa mga bukas na lugar bukod sa pinapayagan na rin ang full capacity sa kanilang convention centers at restaurants.

Sabi ni Gatchalian, ang naturang patakaran ng Singapore ay nagdulot ng pagsigla muli ng kanilang tourism industry na nagpa-angat sa koleksyon ng kanilang pamahalaan.

Facebook Comments