Pagbabakuna ng ‘COVID vaccine’ sa Marikina City, kayang tapusin sa loob ng 20 araw ayon kay Mayor Teodoro

35

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na sa loob lamang ng wala pang isang buwan ay matatapos na ang magpapabakuna kontra COVID-19 sa Marikina City.

Ang pahayag ni Mayor Teodoro kasunod ng pagbubukas ng mega vaccination facility sa Marikina Sports Center na may kakayahang magbakuna ng 10,000 katao kada araw.


Paliwanag ng alkalde na sa bilang sa top priority para bakunahan sa lungsod ang nasa 250,000 indibidwal.

Samantala, upang mas lalong makuha ang tiwala ng mga Marikeño sa COVID vaccine, maglalaan ng mahigit limang milyong pisong indemnification fund si Mayor Teodoro para sa mga magpapabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments