Pagbabakuna ni Pangulong Duterte, maitataas ang vaccine confidence sa mga Pilipino – Duque

40

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makakahikayat sa mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Duque, magandang maipakita sa mga tao na mismo ang Pangulo na nagtitiwala sa bisa ng mga bakuna.


Nilinaw din ni Duque na ang Sinopharm vaccine ay sakop ng compassionate special permit na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa Presidential Security Group (PSG).

Ang pagbabakuna ng pangulo ay batay din sa prescription ng kanyang doktor.

Facebook Comments