Pagbabakuna ni Pangulong Duterte ng Sinopharm, magpapataas sa kumpiyansa ng publiko sa Chinese vaccines – Malacañang

29

Mas maraming tao ang mahihikayat na magpabakuna ng Chinese vaccine lalo na at naturukan din si Pangulong Rodrigo Duterte ng Chinese brand na Sinopharm.

Ito ang sagot ng Malacañang sa umano’y pagiging “double standard” ng pamahalaan patungkol sa brand ng COVID-19 vaccines.


Kumpiyansa si Presidential Spokesperson Harry Roque na tataas ang tiwala ng mga tao sa Chinese vaccines kasunod ng pagbabakuna ni Pangulong Duterte.

Kaya muling umapela si Roque sa publiko na magpabakuna kapag dumating ang pagkakataon.

Matatandaang nabakunahan si Pangulong Duterte ng Sinopharm noong May 3 sa ilalim ng compassionate use permit na ibinigay ng Food and Drug Administration (FDA) sa Presidential Security Group.

Facebook Comments