Pagbabakuna sa A4 at A5 group sa BARMM, pinag-aaralan ng pamahalaan – Galvez

Plano ng pamahalaan na simula ang pagbabakuna sa mga indibidwal na kabilang sa A4 at A5 priority group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. bahagi ito ang ng development programs sa rehiyon.

Aniya, ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 categories ay nagpapatuloy.


Hinimok ni Committee Chairperson Senator Francis Tolentino si Galvez na pag-usapan ang vaccine procurement sa mga concerned Bangsamoro authorities.

Nasa 500 million pesos ang inilaan sa ilalim ng BARMM leadership para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments