Pagbabakuna sa general public, posibleng masimulan sa Agosto o Setyembre

30

Umaasa si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na masisimulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa general public bago ang fourth quarter ng 2021.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Galvez na posibleng sa Agosto o Setyembre pa nila mabakunahan ang natitirang bahagi ng populasyon ng bansa.


Paliwanag niya, malawak ang sakop ng A4 Priority Group o mga essential workers habang susundan pa ito ng pagbabakuna sa A5 na binubuo naman ng nasa 12 hanggang 16 milyong indigent Filipinos.

Inaasahan namang matatapos ang pagbabakuna ng first dose sa A4 cluster sa Setyembre.

Facebook Comments