Pagbabakuna sa general public, posibleng umpisahan na sa Oktubre

43

Maaaring simulan na ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program sa general adult population.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ‘Talk of the Nation’ na inere kaninang umaga.


Ayon kay Pangulong Duterte, pinag-aaralan na ang posibleng pagsisimula ng pagbabakuna sa general public sa buwan ng Oktubre.

Pero, ito aniya ay nakadepende pa rin sa supply ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon ay nasa priority A1 hanggang A5 pa lang ang nababakunahan ng pamahalaan.

Facebook Comments