Pagbabakuna sa mga batang edad 6 hanggang 11 na may medical condition sa bansang Chile, sisimulan na sa Lunes 

Nakatakda nang simulan sa Lunes ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 6 hanggang 11 na may medical condition sa Chile.

Ito ay matapos aprubahan ang emergency use ng CoronaVac vaccine na dinevelop ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac para sa mga indibidwal na 6 hanggang 17 taong gulang.

Kasunod nito, ipagpapatuloy na rin ng vaccination rollout sa mga adolescent o edad 14 hanggang 17 sa susunod na linggo, Setyembre 16.


Batay sa huling datos ng Chilean Health Ministry, umabot na sa 13,207,294 na katao na sa Chile ang fully vaccinated na kontra COVID-19 o katumbas ng 86.89% ng target population na 15.2 million na katao.

Facebook Comments