Pagbabakuna sa mga mag-aaral at may comorbidity sa QC, nagpapatuloy

31

Muling hinikayat ng Quezon City government ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak para sa dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Sa ngayon, mga nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang na mga mag-aaral sa lungsod o may comorbidities pa lamang ang pinapayagang bakunahan.

Sa mga interesado, maaaring i-rehistro ang kanilang anak sa QC Vax Easy, bisitahin ang website na www.qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy o kaya naman ay magtungo sa inyong barangay.


Facebook Comments