Pagbabalik- ensayo sa volleyball, aprubado na ng DOH

148

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang pagbabalik -ensayo sa volleyball sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).


Ito ay sa kondisyong susunod sila sa mahigpit na health and safety protocols.

Ayon kay Philippine Super Liga (PSL) Chairman Ella Juico, limang (5) players lamang ang maaaring mag- ensayo at hanggang sampung tao lamang ang skeletal workforce.

Aniya, kailangan din nilang kumuha ng isang medical liaison na magbabantay sa galaw ng mga coaches at manlalaro.

Facebook Comments