Pagbabalik-laro ng Premier Volleyball League, posibleng sa susunod na taon pa

40

Posibleng sa susunod na taon pa magbabalik-laro ang Premier Volleyball League (PVL) mula sa unang planong pagbabalik nitong Setyembre 2020.

Ayon kay Sports Vision President Ricky Palou, wala pang sagot ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa kanilang sulat kung saan nanghihingi sila ng permiso para makapagsimula ulit sila ng training.


Aniya, pinag-aaralan pa rin ng IATF ang kanilang kahilingan.

Nabatid na dahil sa COVID-19 outbreak, nagsasagawa lamang ng virtual training ang mga koponang kasali sa PVL.

Facebook Comments