Pagbabalik ng Senate impeachment court sa articles of impeachment, ikinabahala ng Liderato ng Kamara

Nakababahala para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pasya ng Senate impeachment court na ibalik sa KAMARA ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang talumpati sa plenaryo ay binigyang- diin ni Romualdez na ang articles of impeachment na isinumite ng Kamara ay umaayon sa Konstitusyon at sinuportahan ng 215 mga kongresista na higit pa sa 2/3 ng House members.

Ayon kay Romualdez, maingat nilang sinunod ang tamang proseso ng impeachment na bahagi din ng pagtupad sa kanilang mandato ng walang kinatatakutan at pinapaboran.

Giit pa ni Romualdez, ang hakbang ng Kamara ay tugon din sa panawagan ng taumbayan para magkaroon ng pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments