Pagbabalik ni US Pres Trump, banta sa soberenya ng Pilipinas kaya dapat nang palayasin sa bansa ang US troops —kongresista

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro na palayasin na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon ang mga sundalong Amerikano kasama ang lahat nilang kagamitan.

Panawagan ito ni Castro kaakibat ng kanyang pagkabahala na maging banta sa ating soberenya ang agresibong foreign policy ni US President Donald Trump.

Tinukoy ni Castro na dapat magsilbing wake-up call sa atin ang nais ni Trump na pag-take over sa Greenland at Panama Canal at ang patuloy nitong pagtanggi na isantabi ang paggamit sa pwersa ng militar.


Bunsod nito ay malinaw para kay Castro na may naka-ambang panganib sa Pilipinas sa harap ng pinalawig na presensya ng US military sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Diin ni Castro, hindi tayo pumayag na maging collateral damage sa hidwaan sa pagitan ng Amerika at China.

Facebook Comments