Pagbabanta ng PECO sa SC, malinaw na self-serving – Rep.Pimentel

36

 

Pansariling interes lamang ng Panay Electric Company(PECO) ang hangad nito sa kanilang naging pagbabanta sa Korte Suprema na magiging “bad precedent” sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng Kataas taasang hukuman sa power dispute sa Iloilo City ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp(More Power).

Ayon kay Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel, walang basehan ang alegasyon ni PECO lead counsel Atty Estrella Elamparo na ang judicial ruling ng SC na papabor sa More Power ay magbibigay ng lehitimasyon sa hostile takeovers ng mga kumpanya at prangkisa mula sa mga interisadong kumpanya nang hindi kinakailangang magpakita ng kakayahan, expertise o industy history, ani Pimentel, hindi inalis ang serbisyo ng PECO bilang power supplier sa Iloilo para paboran ang isang bagong kumpanya kaya walang katotohanan na mayroong hostile takeover bagkus inalis umano ang PECO dahil inayawan mismo ng mga consumer ang kanilang serbisyo.

“the opinion of PECO is self seving because they still want to operate the electric utility but the truth of the matter is that it is the consumers who have been clamoring for another utility company because for several decades PECO has a very poor service and they have several pending cases because of complaints from the customers”paliwanag ni Pimentel.

Giit ni Pimentel na nakita ng Kamara ang mga reklamo laban sa PECO na syang basehan kaya tinanggalan ito ng legislative franchise.

“I was always present during the hearings of the renewal of their franchise and I have thorough knowledge of their poor performance and several violations with the Energy Regulatory Commission(ERC)” dagdag pa nito.

Nanindigan si Pimentel na hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kumpanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay.

“I think the people deserves a better utility company than PECO who can really serve the needs of the people”giit pa nito.




Umaasa naman si Pimentel na rerespetuhin at kikilalanin ng SC ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa kung sino ang karapat dapat bilang syang hurisdiksyon nito.

“we cannot preempt the decision of the Supreme Court but in my opinion just like in the case o ABS-CBN, the high court will rule in favor of More Power because its already moot and academic because PECO does not have a franchise to operate anymore”paliwanag ni Pimentel.

Sakali man umano na maging baliktad ang desisyon ng SC at pumabor sa PECO ay hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kumpanya dahil hindi rin sila makakapag-operate.

“The House of Representatives already denied the franchise including their request for reconsideration so even if they win the case how can they operate if they do not have a franchise however the franchise of More Power was approved”pagtatapos pa ni Pimentel.

Matapos bawian ng prangkisa ay una nang nagpasaklolo ang PECO sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 29 kung saan nakakuha ito ng paporableng desisyon, tinuring na unconstitutional ni Mandaluyong RTC Branch 29 Judge Monique Ignacio ang Sec. 10 at Sec 7 ng Republic Act 11212 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay ng prangkisa at eminent domain sa More Power ,gayunpaman, pinigil ng SC ang pagpapatupad ng kautusan ni Judge Ignacio at nagpalabas ito ng Temporary Restraining Order(TRO) pabor sa More Power.

Inapela naman ng PECO sa SC ang naging kautusan nito at hinihiling na bawiin ang ipinalabas na TRO, ang nasabing mosyon ng PECO ang syang nakatakdang desisyunan ng SC sa darating na Setyembre 8.

Facebook Comments