Pagbabanta ng whistleblower na si alias Totoy sa isang reporter, iimbestigahan na ng PTFoMS

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS kaugnay sa umano’y pagbabanta ni Julie “Dondon” Patidongan sa isang TV reporter.
https://rmn.ph/pagbabanta-ng-whistleblower-na-si-alias-totoy-sa-isang-reporter-iimbestigahan-na-ng-ptfoms/
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr., nakipag-ugnayan na sa kanila si Gary de Leon ng News5 na siyang nakatanggap ng banta mula sa umano’y whistleblower ng missing sabungeros.

Unang nagpaabot nito sa PTFoMS ang National Union of Journalists of the Philippines o NUJP matapos humingi ng gabay si De Leon sa grupo.

Batay sa pahayag ng NUJP, nangyari ang pagbabanta noong October 27 nang makipag-ugnayan si De Leon kay Patidongan at sa kanyang mga abogado upang kunin ang panig ng kampo para sa kaniyang istorya.

Sinabi ng NUJP na tinawag umano ni Patidongan si De Leon na “biased at bayaran,” bagay na mariing itinanggi ng mamamahayag.

Kinondena ng NUJP ang insidente at nanawagan sa mga media outfit na patatagin ang mga protocol para sa kaligtasan ng mga mamamahayag.

Inaasahang magsusumite si De Leon ng kanyang sinumpaang salaysay sa PTFoMS sa mga susunod na araw at maghahain nng pormal na reklamo.

Facebook Comments