Pagbabantay sa ilang kalye na naka-total lockdown sa San Juan City, mas pinaigting pa

24

Wala nang pinapapasok at pinapalabas sa C. Santos Street ng Barangay Balong Bato, lungsod ng San Juan, matapos itong isara noong July 7, 2020 dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

Kahit ang mga naghahatid ng mga relief good mula sa lokal na pamahalaan ng San Juan ay bawal din pumasok.


Kaya ang ginagawa nila, iniiwan na lang ito sa gate ng naturang kalye at ang mga residente na lang kukuha.

Habang ang kalye naman ng J. Eustaquio ng Barangay Progreso, may nakalagay na ‘no entry’ sa entrance nito pero pwede naman pumasok ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR).

Matatandaan noong July 7 ngayon taon, isinailalim ang dalawang nasabing kalye sa total lockdown dahil sa pagtaas ng bilang kaso ng COVID-19 at tatagal ito hanggang July 22, 2020.

Facebook Comments