Himimok ng Police Regional Office 1 ang publiko sa maagap na pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa awtoridad kasunod ng P13. 6M halaga ng palutang lutang na ilegal na droga sa Ilocos Norte kahapon.
Ayon sa tanggapan, muling nakatagpo ang ilang mangingisda ng mga package na may lamang hinihinalaang droga sa baybayin ng Paoay at Laoag City sa Ilocos Norte.
Nalambat ng mga mangingisda ang package na may litrato ng prutas na durian kalakip ang Chinese characters at may kabuuang halaga na P13. 6 million sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa tanggapan, posibleng ginagamit ng mga drug traffickers ang mga baybayin sa Hilagang bahagi upang maipuslit ang kontrabando sa bansa.
Patuloy naman ang pinaigting na imbestigasyon at maritime patrols ng mga law enforcement agencies upang matutukan ang serye ng pagkakatagpo ng ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣