Pagbabawal sa mga edad 12 pababa na makapasok sa Dolomite Beach, sisimulan na ngayong araw

Ipapatupad na simula ngayong araw ang pagbabawal sa mga edad 12 pababa na makapasok sa Manila Baywalk Dolomite Beach.

Sa ginanap na pulong na kahapon sinabi ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo Francisco na layon nitong mapigilan ang posibleng super spreader event na resulta ng pagkukumpulan ng mga tao.

Papayagan naman ang mga person with disability at mga senior citizen kung saan may itatalagang special lane para dito.


Samantala, napagkasunduan din sa pulong na isara ang Manila Baywalk Dolomite Beach simula October 29 hanggang November 3.

Bukod pa ito sa pagsasara tuwing Biyernes para sa maintenance works.

Lilimatahan sa 3,000 ang kapasidad ng Dolomite Beach kumpara sa halos 6,000 katao na dumagsa kamakailan.

Facebook Comments