Pagbabawal sa mga Maliliit na Sasakyan sa Inner lane, Ipatutupad!

105

Cauayan City, Isabela- Mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal sa lahat ng uri ng maliliit na sasakyan gaya ng traysikel at motorsiklo sa inner lane ng national highway.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay retired police general Jimmy Rivera ng provincial public safety office at pinuno ng Task Force Oink Oink Isabela, sinabi nito na mayroon nang ipinalabas na bagong DILG Memorandum Circular 2020-036.


Nakasaad dito na dapat bumuo ang bawat munisipalidad at Lungsod ng isang Task Force na pangungunahan ng alkalde.

Nasa 30 araw ang ibinigay na panahon upang mabuo ang task force na kabibilangan ng mga TODA at mga stakeholders at dapat ay naayos na rin sa March 17, 2020.

Dito ay babalangkasin ang mga pamamaraan kung paano maipatutupad ng epektibo at maayos ang nasabing memorandum upang maiwasan ang pagkakahuli at disgrasya sa lansangan.

Facebook Comments