Pagbabawal sa pagdaan ng mga ‘light truck’ sa kahabaan ng Edsa at Shaw Blvd., pinalawig hanggang sa buwan ng Setyembre

34

Manila, Philippines – Pinalawig pa hanggang sa buwan ng Setyembre ang pagbabawal sa pagdaan ng mga ‘light truck’ sa kahabaan ng Edsa at Shaw Blvd.

Sa ilalim ng regulasyon ng Metro Manila Council (MMC) ipagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck na may gross capacity weight na nasa 4,500 kilograms sa kahabaan ng Edsa at shaw sa pagitan ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Sa hapon, bawal pa rin ang mga naturang truck sa pagitan ng alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.

Marso a-kinse ng simulan ang regulasyon pero dahil sa aging epektibo ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa naturang lugar nitong nakalipas na mga buwan napag-desisyunan na i- extended ito ng hanggang September 15.

Facebook Comments