Pagbabawal sa POGO, malaking ambag sa pagtanggal sa Pilipinas sa FATF grey list

Buo ang paniniwala ni House Assistant Majority Leader at Manila Representative Ernix Dionisio Jr. na ang pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay may malaking ambag sa pagka-alis ng Pilipinas sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF).

Ayon kay Dionisio, alam naman ng lahat na ang POGO ay pugad ng kasinungalingan at kriminalidad kasama ang money laundering kaya ng tinuldukan ito ni PBBM ay natanggal na rin tayo sa FATF grey list.

Sabi naman ni House Assistand Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, patunay ito na tama ang ginawang imbestigasyon ng House Quad Committee sa iligal na operasyon ng POGO.

Diin pa ni Adiong, nagbunga ang pagiging abala ni Pangulong Marcos sa pag-aayos ng credit standing ng Pilipinas.

Binanggit ni Adiong na sa pagkatanggal ng bansa sa naturang listahan ay nanumbalik ang tiwala ng international community sa pagpapatakbo at pamamahala ng administrasyon.

Facebook Comments