Pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong transportasyon, ibinabala

303
DOTr MRT-3 PHOTO

Nagbabala ngayon si dating COVID-19 Task Force Adviser Dr. Tony Leachon sa plano ng Department of Transportation na bawasan ang physical distancing mula 1 meter pababa ng .75 meters sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Leachon, sana ay mai-rekonsidera ng DOTr at Inter-Agency Task Force ang pananatili ng 1-meter physical distancing sa mga public transport kabilang ang mga train.

Nakakabahala aniya na baka magkaroon ng viral transmission kung luluwagan ang safeguards sa mga matataong lugar tulad ng workplaces at public transportation dahil kulob at tiyak na darami ang pasahero.

Kinuwestiyon din nito kung masusunod ang sukat ng distansya at kung kailangan pang magdala ng panukat ang mga pasahero.

Facebook Comments