Tinatalakay na umano ng Department of Agriculture kasama ang mga stakeholders ang ukol sa pagbabawas sa farm gate price ng karneng baboy ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG).
Ayon kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, ito umano sakali ang paraan upang mapababa ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.
Ang presyo na kasi ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ay pumapalo na sa 400 pesos ang kada kilo.
Isa rin umano sa dahilan ay ang sakit na African Swine fever sa alagang baboy kung kaya’t nagkakaroon ng mababang suplay nito.
Umaasa naman ang mga konsyumer na umusad ang naiisip na paraan upang mapababa kahit papaano ang presyo ng karne ng baboy kada kilo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments