Pagbabayad ng business tax sa mga negosyante, pinalawig ng Muntinlupa City LGU

35

Tiniyak ng Muntinlupa City Local Government Unit sa pribadong sektor sa lungsod na patuloy nilang susuportahan ang mga lokal na negosyo habang umiiral ang COVID-19 pandemic.


Kaugnay nito inaprubahan ni Mayor Jaime Fresnedi ang City Ordinance Number 115 na naglalayong mabawasan ang pasanin at alalahanin ng mga negosyante at mamamayan ng lungsod.

Alinsunod sa City Ordinance No. 115, extended na ang pagbabayad ng business taxes para sa 3rd quarter mula August 19, 2020 hanggang September 18, 2020 at walang babayarang surcharges, interests o penalties.

Facebook Comments