Pagbabayad ng pamasahe gamit ang QR Codes, pwede na sa BGC Bus at Topline Express Ferries

52

Pwede nang pagbayad ng pamasahe sa Bonifacio Global City o BGC Bus at Topline Express Ferries sa Cebu gamit ng Quick Response o QR codes.

Ayon kay AF Payments Inc., nakipag-partner ang mga bus operator sa Globe Fintech Innovations Inc. Para sa QR Ticketing System.


Ayon kay Joey Lim, Chairperson of the Board ng Payments Inc., mas magiging madali na ang transaksyon kapag ginamit ang QR Technology.

Sa ilalim nito, pwede nang magbayad gamit ng GCash Mobile Application sa Ticket Centers.

Ang mga commuter ay makakatanggap ng QR Ticket na kailangang i-scan bago pumasok ng sasakyan.

Plano ng AF Payments na magsagawa ng roll out ng QR Ticketing sa ilang partner buses sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Facebook Comments

From Advertisers