
Itinanggi ni Senate President Win Gatchalian na standard practice sa Senado ang pagbabaklas ng mga kagamitan sa iiwanang opisina.
Taliwas ito sa katwiran ng opisina ni Senator Jinggoy Estrada na standard practice ang ginawa nila sa iniwang opisina.
Giit ni Gatchalian, walang standard practice sa opisinang lilisain ng senador na maaring lilipat as ibang kwarto o tapos na ang termino.
Ang nakasanayan aniya sa tagal ng panahon ay intact pa rin ang iiwanang kwarto kung saan pwedeng agad nang gamitin ng kasunod na occupant.
Aminado naman ang Senate President na totoo namang ginastusan at personal na pera ang ginamit ni Estrada para sa renovations ng opisina pero dahil binakbak iyon, matatagalan pa bago makalipat sa opisinang iyon si Senate President pro-tempore Tito Sotto III at gagastusan ito ng malaki ng gobyerno na tinatayang aabot ng P700,000.
Sana aniya ay nagkaroon ng courtesy ang kampo ni Estrada kung ano sana ang gagawin sa iniwang opisina.










